Presidential economic adviser Michael Yang, papatayin ni Pangulong Duterte kung sangkot sa ilegal na droga

By Chona Yu March 26, 2019 - 01:06 PM

Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na papatayin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Presidential economic adviser Michael Yang kung totoong sangkot ito sa operasyon sa illegal na droga.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, hindi maikakaila na galit ang pangulo sa mga sangkot sa illegal na droga.

Una rito, inabswelto na ni Pangulong Duterte si Yang sa illegal na droga taliwas sa pahayag ni dating PNP Drug Enforcement Group deputy director for administration Eduardo Acierto.

Ayon kay Panelo, ibinase ng pangulo ang pag-abswelto kay Yang sa imbestigasyon ng mga awtoridad.

Kung totoo man aniyang sangkot sa illegal na droga si Yang, matagal na sanang nailagay sa narcolist ang negosyanteng Chinese.

Hamon ng Palasyo kay Acierto, dapat nagsampa ng kaso laban kay Yang noong nanunungkulan pa siya sa PNP.

TAGS: Michael Yang, president duterte, War on drugs, Michael Yang, president duterte, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.