Pagpasa ng parusang bitay muling iginiit ni Rep. Biazon

By Erwin Aguilon March 26, 2019 - 11:53 AM

Iginiit ni Muntinlupa City Rep. Ruffy Biazon ang pagpasa sa panukalang batas na nagbabalik ng parusang kamatayan para sa drug trafficking at pag-upgrade sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon kay Biazon, nakababahalang umuusbong na ang sirkulasyon ng ilegal na droga sa mga exclusive subdivision kaya dapat nang i-review ang kanilang security measures at makipagtulungan ang mga residente.

Umapela rin siya sa PDEA na agad imbestigahan ang mga nahuling suspek sa Alabang, Muntinlupa City na pinaniniwalaang miyembro ng Chinese Gold Triangle syndicate at alamin kung sinu-sino ang kanilang koneksyon o kasabwat na indibidwal.

Kailangan aniyang malaman kung nagkaroon ng pagkukulang sa entry points partikular sa border security personnel kaya nakapasok ang foreign drug cartel syndicates.

Samantala, iginiit naman ng kongresista na sa kabila ng agresibong kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa ilegal na droga ay nananatili ang problema dulot ng kawalan ng ngipin ng mga kasalukuyang batas.

TAGS: Death Penalty, drug smuggling, PDEA, Radyo Inquirer, War on drugs, Death Penalty, drug smuggling, PDEA, Radyo Inquirer, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.