Kopya ng intel report na nag-uugnay kay Michael Yang sa operasyon ng ilegal na droga wala sa Malakanyang

Walang natatanggap ang Malaknayang na anumang kopya ng intelligence report nag-uugnay kay Economic Adviser Michael Yang sa operasyon sa ilegal na droga.

Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, pianghahanap pa ng Palasyo ang sinasabing intel report na isinumite ni dating Deputy Director for Administration of the PNP Drug Enforcement Group (DEG) Eduardo Acierto.

Ayon kay Medialdea, walang mahanap ang palasyo na anumang submitted report mula kay Acierto.

“We are still looking for that report and as of now we can’t find any submitted to our office,” ani Medialdea.

Sa pahayag ni Acierto, hinaharang umano nina Pangulong Rodrigo Duterte at dating PNP chief Director General Ronald Dela Rosa ang imbestigasyon sa intel report na nagpapakitang sangkot sa operasyon sa ilegal na droga si Yang at ang isa pang Chinese na si Allan Lim.

Dagdag ni Acierto, nagsumite siya ng intel report kina Medialdea, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) director general Aaron Aquino, Police Deputy Director General Camilo Cascolan, PNP chief Oscar Albayalde at Sen. Richard Gordon.

Read more...