Tatlo sugatan sa karambola ng mga sasakyan sa QC

By Dona Dominguez-Cargullo March 26, 2019 - 11:23 AM

Inquirer file photo

Sugatan ang tatlong katao sa karambola ng mga sasakyan na naganap sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Ayon sa Quezon City Police District – Traffic Sector, sangkot sa karambola na anaganap alas 2:30 ng madaling araw ang isang Ford Ranger pick-up, isang Mitsubishi Montero at isang taxi.

Binabaybay ng tatlong sasakyan ang linya ng Commonwealth patungong Fairview nang masagi ng SUV ang kanan sa harapang bahagi ng pick-up at kaliwang bahagi ng taxi.

Dahil dito, bumangga ang pick up sa taxi habang tumagilid naman ang SUV.

Kabilang sa nasugatan si Andrea Banda, 22 anyos at Jeorolyn Vitangcol, 21 anyos na sakay ng pick-up.

Sugatan din ang 25 anyos na pasahero ng taxi na si Jessica Talania.

Agad namang nadala sa Quirino Memorial Medical Center ang mga nasugatan.

Ang driver ng SUV na nakilalang si Philip John Cabangon, 42 ay mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple damage to property and multiple physical injuries.

TAGS: accident, quezon city, Radyo Inquirer, accident, quezon city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.