Metro Manila maaring mapasama sa mga lugar na nakararanas ng drought condition – PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo March 26, 2019 - 10:32 AM

Labinganim na mga lalawigan sa bansa ang nakasailalim sa “Meteorological Drought” condition na epekto ng weak El Niño na nararanasan sa bansa.

Ayon kay Analiza Solis, pinuno ng Climate Information Monitoring and Prediction ng PAGASA, sa nasabing bilang, walong lalawigan ay mula sa Luzon, isa sa Visayas at pito sa Mindanao.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Solis na ang mga lugar na nakasailalim sa drought condition ay nakaranas ng mahigit 60 percent ng rainfall reduction mula noong Enero.

Sa nasabing bilang, 15 ay sa Mindanao, 12 sa Visayas at 28 sa Luzon.

Mayroon namang 55 lugar sa bansa ang nakararanas ng dry spell kasama na dito ang Metro Manila.

Ayon kay Solis, sa 55 lugar na nasa dry spell, may mga lugar na candidate o maaring makaranas na ng drought condition kapag patuloy na hindi nakatanggap ng normal na pag-ulan kasama na ang Metro Manila.

Paliwanag ni Solis, kinakailangang makaranas ng sapat at normal na pag-ulan bago sumapit ang Abril, dahil kung hindi, sa katapusan ng Abril ay maaring mapasama na ang Metro Manila at iba pang mga lugar sa nakararanas ng drought condition.

Sinabi naman aniya ng PAGASA na dahil sa matinding init ng temperatura ay maaring makaranas ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorm.

TAGS: drought condition, dry spell, El Niño, Radyo Inquirer, weather, drought condition, dry spell, El Niño, Radyo Inquirer, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.