One-time bill waiver ipatutupad ng Manila Water matapos ang naranasang water shortage

By Dona Dominguez-Cargullo, Jong Manlapaz March 26, 2019 - 09:17 AM

Radyo Inquirer Photo | Jong Manlapaz
(BREAKING) Magpapatupad ng one-time bill waiver ang Manila Water matapos ang naranasang water shortage sa Metro Manila at sa mga bayan sa lalawigan ng Rizal.

Ayo kay Manila Water President at CEO Ferdinand Dela Cruz, boluntaryo na nilang ipatutupad ang one-time bill waiver scheme at magre-reflect ito sa April bill ng kanilang consumers.

Ibig sabihin ayon kay Dela Cruz, ang minimum charge para sa buwan ng Marso kung kailan naranasan ang matinding problema sa suplay ng tubig ay hindi na sisingilin.

Ang mga residente naman sa pinaka-apektadong mga barangay o iyong nakaranas ng 24 na oras na water interruption at tumagal ng isang linggo ay hindi na sisingilin para sa water consumption nila ng buwan ng Marso.

Ayon kay Dela Cruz, sa mga unang araw na naranasan ang water shortage ay nasa 61 mga barangay ang maitituring na hardest hit hanggang sa napababa na lamang ito sa 8 mga barangay sa nakalipas na mga araw.

TAGS: manila water, one time bill waiver, Radyo Inquirer, water crisis, manila water, one time bill waiver, Radyo Inquirer, water crisis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.