Pilipinas kayang talunin ng isang suntok lang ng China – Pres. Duterte

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na gusto na niyang lusubin ang China para makipag-giyera.

Ito ay dahil sa patuloy na bangayan ng dalawang bansa dahil sa isyu ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Ayon sa pangulo, marami namang nakaimbak na bala ang Pilipinas at maaring sumugod sa China sa pamamagitan ng pagpasok sa bahagi ng Palawan.

Pero ayon sa pangulo, pagpasok pa lamang ng tropa ng Pilipinas sa Palawan, isang suntok pa lamang, wala na ang Pilipinas.

Mayroon kasi aniyang cruise missile ang China at maaring pasabugin ang Manila sa loob lamang ng pitong minuto.

Kapag nagkataon ayon sa pangulo, wala nang magagawa ang tropa kundi ang magtago na lamang sa Palawan.

Pabiro pang sinabi ng pangulo na ayaw niyang magtago sa Palawan dahil sa malamok.

Read more...