TV Plus, Credit Card, News Plus at gaming streaming, ilulunsad ng Apple

By Dona Dominguez-Cargullo March 26, 2019 - 08:44 AM

Inanunsyo ng Apple ang paglulunsad nito ng Apple TV Plus, isang streaming service para sa kanilang mobile phones at tablets.

Ayon kay Apple CEO Tim Cook, mapapanood sa kanilang streaming service ang mga ekslusibong shows, pelikula, at documentaries mula sa mga kilalang filmmakers gaya nina JJ Abrams, Steven Spielberg at M. Night Shyamalan.

Tampok sa ilulunsad na Apple TV Plus ang “Steven Spielberg’s Amazing Stories” at bagong TV show ni Oprah Winfrey.

May pambatang show din na ang pamagat ay “Helpsters” kung saan aasahan ang Sesame Street – like puppetry na kapupulutan ng aral.

Sa idinaos na launch event, inanusyo din ng Apple ang nakatakdang paglulunsad ng Apple Credit Card, magazine at news subscription service na tatawaging Apple News Plus, at gaming streaming platform na Apple Arcade.

TAGS: Apple, BUsiness, gaming streaming, Radyo Inquirer, technology, tv plus, Apple, BUsiness, gaming streaming, Radyo Inquirer, technology, tv plus

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.