IRR para sa expanded maternity leave law ilalabas sa May 1 – SSS
Posibleng sa May 1 ay mailalabas na ang implementing rules and regulations (IRR) para sa expanded maternity leave law.
Ayon sa Social Security System (SSS), nagtutulong-tulong ngayon ang SSS, Department of Labor and Employment (DOLE), at ang Civil Service Commission para sa IRR.
Sinabi ni SSS media affairs department acting head May Rose Francisco na May 1 ang target date para mai-release ang nasabing IRR.
Sa ilalim ng bagong batas, mula sa dating 60 days ay magiging 105 days na ang maternity leave ng mga nanay,
Buwan ng Pebrero nang lagdaan ng pangulo ang nasabing batas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.