Eroplano ng British Airways sa maling paliparan nag-landing

By Dona Dominguez-Cargullo March 26, 2019 - 06:53 AM

Nagulat ang mga pasahero ng eroplano ng British Airways matapos itong mapadpad sa ibang lugar.

Sa halip kasi na sa Germany ay sa Edinburgh City sa Scotland lumapag ang eroplano.

Ang maling flight plan ang itinuturong dahilan ng pagkakamali ng piloto.

Inakala umano ng piloto at mga cabin crew na ang kanilang biyahe ay patungong Edinburgh.

Matapos malamang mali ang lugar na pinaglandingan ng eroplano, nag-refuel ito at saka muling nagtake-off patungong Dusseldorf.

Nagdulot ng mahigit 3-oras na abala sa mga pasahero ang naturang pagkakamali.

Humingi naman ng paumanhin ang British Airways sa pangyayari.

TAGS: British Airways, edinburgh city, Germany, scotland, British Airways, edinburgh city, Germany, scotland

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.