Residential area sa San Mateo, Rizal tinupok ng apoy

By Dona Dominguez-Cargullo March 26, 2019 - 06:28 AM

Tinupok ng apoy ang isang residential area sa Barangay Guitnang Bayan 1 sa San Mateo, Rizal.

Ayon sa Incident Command Control Office sa bayan ng San Mateo, nagsimula ang sunog pasado alas 12:00 ng madaling araw sa bahagi ng M.H. Del Pilar.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy at kung ilang bahay ang natupok.

Mabilis namang nakaresponde ang mga fire truck sa Guitnang Bayan 1, kapalit na barangay at fire volunteers mula sa Marikina City.

Ala 1:37 ng madaling araw nang ideklarang fire out na ang nasabing sunog.

TAGS: fire incident, Radyo Inquirer, San Mateo Rizal, fire incident, Radyo Inquirer, San Mateo Rizal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.