PDEA: 31 celebrity nasa narco list

Isiniwalat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na kabilang sa kanilang narco list ang 31 celebrity.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, sikat lahat ang 31 celebrity na kabilang sa listahan.

Nauna nang inihayag ng PDEA na dalawang artista ang customer ng napatay na drug dealer na si Steve Pasion.

Matatandaang nasawi sa parking lot ng kanyang condominium unit si Pasion sa operasyon ng PDEA noong March 11.

Sinabi ni Aquino na may narekober silang text messages mula sa isang lalaking artista na umano’y bumili ng 200 piraso ng party drug na ecstasy mula kay Pasion.

Nakukuha umano ni Pasion ang droga mula sa The Netherlands at iba pang bahagi ng Europa sa pamamagitan ng dark web.

Read more...