Sen. Poe hindi kwalipikadong tumakbo bilang Pangulo ayon sa Comelec

Grace-Poe-0903
Inquirer file photo

Diniskwalipika ng 2nd Division ng Commission on Elections (Comelec) ang kandidatura sa pagka-Pangulo ni Senadora Grace Poe dahil umano sa hindi pagtugon sa residency requirement ng Konstitusyon sa mga tumatakbong Pangulo ng bansa.

Sa botong 3-0, pumabor ang mga miyembro ng Division sa inihaing petisyon ng abogadong si Estrella Elamparo na humihiling na kanselahin ang kandidatura sa pagka-Presidente ni Poe.

Base sa kanilang desisyon, naging residente lamang ng Pilipinas si Poe noong Hulyo ng 2006 nang siya ay mag-aplay ng dual citizenship.

Dahil dito kapos umano si Poe ng dalawang buwan para makamit ang 10-year residency rule.

Ang mga miyembro ng 2nd division na bumoto pabor sa petisyon ay sina Commisioners Al Parreno, Arthur Lim at Sherif Abbas.

Sinabi naman ng kampo ni Poe na i-aapela nila sa Commission En Banc ang desisyon.

Isa lamang ang petisyon ni Elamparo sa apat na mga petisyon na inihain laban sa Senadora para madiskwalipika sa pagtakbo sa pagka-Pangulo.

Read more...