DOH nanindigang sumusunod sa election rules

By Rhommel Balasbas March 26, 2019 - 04:10 AM

Iginiit ng Department of Health (DOH) na istrikto silang tumatalima sa mga alituntunin ng Commission on Elections (Comelec) tungkol sa campaign materials.

Naglabas ng pahayag ang kagawaran Lunes ng gabi bilang tugon sa hiling ng poll body na alisin ang campaign posters ni Bong Go sa Malasakit Center.

Sinabi ng DOH na istrikto silang tumutupad sa Comelec rules at wala silang utos sa mga ospital na gumamit, magpamahagi o magpaskil ng anumang bagay na may pangalan o mukha ng sinuman na tumatakbo para sa eleksyon.

Iginiit ng DOH na dapat makipag-ugnayan ang Comelec sa University of the Philippines (UP) kaugnay sa poster ni Bong Go sa Malasakit Center sa PGH.

Ang PGH ay hindi umano isang DOH Hospital at nasa ilalim ito ng UP.

Samantala, nagpaalala na rin umano sila sa kanilang medical center chiefs na agad na baklasin ang anumang campaign materials na matatagpuan sa sakop nilang mga pasilidad.

Kasabay nito, hinimok din ng DOH ang publiko na iulat ang anumang campaign visuals ng mga kandidato para sa darating na halalan.

TAGS: alisin, bong go, campaign materials, campaign visuals, comelec, doh, Malasakit Center, pgh, poster, up, alisin, bong go, campaign materials, campaign visuals, comelec, doh, Malasakit Center, pgh, poster, up

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.