Jerwin Ancajas, Michael Dasmariñas, Vic Saludar itinanghal na Boxers of the Year
Hinirang na 2018 Boxers of the Year ang boxing champions na sina Jerwin Ancajas, Vic Saludar at Michael Dasmariñas.
Pinarangalan ang tatlo sa naganap na 19th Gabriel “Flash” Elorde Boxing Awards Banquet of Champions Lunes ng gabi sa Okada Manila, Parañaque City.
Si Ancajas na IBF super flyweight champion ay tatlong beses na nadepensahan ang kanyang belt noong nakaraang taon.
Ayon kay Ancajas, isang malaking karangalan na itanghal siya bilang isa sa mga Boxers of the Year.
Natanggap ni Ancajas ang naturang parangal sa ikatlong sunod na taon.
Si Saludar naman ay nasungkit ang WBO minimum weight belt noong July 2018 nang talunin si Ryuya Yamanaka ng Japan.
Habang si Dasmariñas ay naiuwi ang IBO crown matapos pabagsakin sa ikaapat na round ang Frenchman na si Karim Guerfi.
Noon lamang Sabado ay wagi rin ng IBF bantamweight world title si Dasmariñas matapos ang maipanalo ang laban kontra kay Kenny Demecillo sa pamamagitan ng unanimous decision.
Samantala, si eight-division world champion Manny Pacquiao ay nabigyan ng Elorde Hall of Famer Award of Distinction kasama sina longest reigning Filipino world champion Donnie Nietes at four-division titleholder Nonito Donaire Jr.
Ang best friend at longtime cornerman ni Pacquiao na si Buboy Fernandez ay itinanghal namang Best Trainer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.