Suko na si Pangulong Rodrigo Duterte sa pakikipag-usap sa New People’s Army (NPA).
Ayon sa Pangulo, ito ang dahilan kung kaya binuwag na niya ang government peace panel na magsusulong sana ng peace talks sa rebeldeng grupo.
Ayon pa sa Pangulo, wala nang saysay ang pakikipag-usap sa mga rebelde dahil bulok na ang idelohiya na ipinaglalaban ng mga ito.
Mas makabubuti aniya na magpatayan na lamang ang gobyerno at mga rebelde dahil ito rin naman ang naging pamamaraan na sa nakalipas na limampung taon.
Utos ng Pangulo sa mga sundalo at pulis, tapusin na ang rebeldeng grupo na patuloy na mag-aaklas laban sa gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.