Duterte: Mga paring sangkot sa rape at panghihipo, patayin

By Chona Yu March 26, 2019 - 03:47 AM

Ipapapatay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pari na nasasangkot sa kasong rape o nanghihipo sa pribadong parte ng katawan sa mga bata.

Ayon sa Pangulo, wala siyang pakialam kung maubos man ang mga paring rapists.

“Unya kaning mga pari, kani — kani bang running priest na paingon-ingon dayon nga, “Si Duterte gina awhag ang mga…Tama. Tama gyud. Kamong mga pari nga nang-rape og bata, kamong mga pari nangumot og itlog p***** i** ninyo dapat patyon gyud mo,” ani Duterte

[“Itong mga pari. Ito bang si running priest na sabi niya ‘sinduterte hinihikayat niya.. tama. Tama yun. Kayong mga pari na nangri-rape, kayong mga pari na pumipisil ng mga itlog, p***** i** nyo dapat talaga patayin kayo”]

Katunayan, sinabi ng Pangulo na mas maganda nga ang mundo kung wala ang mga paring rapists.

Sinabi pa ng Pangulo na tiyak na magkakagulo lamang ang mundo kung mananatili ang mga paring rapists.

“Bakit ako matakot? Mahurot mo tanan karong gabii, di mas maayo. Then we will have a better world kay ang tanang gobyerno, tibuok kalibutan, basta naa nang Katoliko, p***** i** gubot gyud na. Ma Chile, South America, puro gyud na. Basta naay pari. Olden times pa,” dagdag ng Pangulo.

[“Bakit ako matatakot? Maubos man kayo ngayong gabi, eh di mas mabuti. Then we will have a better world kasi ang lahat ng gobyerno, sa buong mundo, basta may katoliko, p*****i**, gulo talaga yan. Sa Chile, South America, lahat yan. Basta may pari. Olden times pa.”]

Binanatan din ng Pangulo ang mga Obispo na aniyay para lamang sa mga elitista.

Una rito, makailang beses nang inamin ng Pangulo na biktima siya ng pang aabuso ng mga pari noong nag aaral pa siya sa Ateneo de Davao.

TAGS: Obispo, pag-abuso, panghihipo, Pangulong Rodrigo Duterte, pari, patayin, rapist, Obispo, pag-abuso, panghihipo, Pangulong Rodrigo Duterte, pari, patayin, rapist

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.