NBI: QC Memorial area ginamit na ‘staging area’ sa pagpatay sa prosecutor

By Len Montaño March 26, 2019 - 03:32 AM

Credit: Tetch Torres-Tupas

Iprinisinta ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) ang CCTV footage na nagpapakita ng mga galaw ng mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Quezon City deputy prosecutor Rogelio Velasco noong May 2018.

Sa preliminary investigation laban kina SPO2 Rodante Laimarmo, PO3 Arthur Lucy at PO1 Jose Mercado, ipinakita ng NBI ang ebidensya na nasa Quezon City Memorial Circle ang 3 pulis noong tinambangan si Velasco.

Paliwanag ng NBI, bukod sa mga pulis, anim na iba pa ang sangkot sa krimen base sa CCTV footage.

Nananatiling at large ang tatlo pang suspek.

Makikita sa CCTV footage na nagkita ang mga suspek sa QC Memorial Circle ilang oras bago pinatay ang prosecutor noong May 11, 2018.

Mapapanood din na nagsuot ng mga sombrero at jacket ang mga suspek habang iniwang bukas ang backdoor ng puting AUV.

Sinabi ng NBI na ilang testigo ang nagsabi na isang lalaki na may dalang mahabang armas ang nasa likuran ng sasakyan.

Makikita rin sa CCTV footage na sinundan ng AUV at isang motorsiklo ang sasakyan ni Velasco.

Ang naturang sasakyan na may plakang XNR-256 ang humarang at nagpaputok sa sasakyan ng biktima.

Sa kanilang reklamo sinabi ng NBI na ang testimonya ng mga saksi gayundin ang ebidensya mula sa CCTV ay patunay na ginamit ang lugar bilang staging area para sa ambush.

Itinanggi naman ng 3 pulis ang krimen at sinabing hindi sila magkakakilala kaya imposible umanong nagsabwatan sila para planuhin ang pagpatay kay Velasco.

Binigyan ng DOJ ang mga pulis ng 5 araw para magsumite ng manifestation habang ang mga complainants ay mayroon ding 5 araw para sumagot.

TAGS: ambush, AUV, CCTV footage, DOJ, manifestation, motorsiklo, NBI, QC deputy prosecutor Rogelio Velasco, QC memorial Circle, staging area, ambush, AUV, CCTV footage, DOJ, manifestation, motorsiklo, NBI, QC deputy prosecutor Rogelio Velasco, QC memorial Circle, staging area

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.