Manila Water binigyan ng 5 araw para magpaliwanag

By Rhommel Balasbas March 26, 2019 - 02:29 AM

Nagpadala ng ‘notice to explain’ ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa Manila Water para ipaliwanag kung bakit hindi sila dapat panagutin sa naranasang water shortage sa Metro Manila.

Ito ay kasabay ng inihaing reklamo ng ilang grupo at consumers para pagmultahin ang water concessionaire.

Ayon kay MWSS Chief Regulator Atty. Patrick Ty, may limang araw ang Manila Water na magbigay ng paliwanag.

Tiniyak ni Ty na bibigyan ng patas na trato ang Manila Water bago sila magdesisyon at ang ebalwasyon sa kanilang paliwanag ay ibabatay sa terms and conditions sa concession agreement.

Sa ngayon ay pinag-aaralan na ng MWSS ang posibilidad ng pag-uutos ng rebate or refund sa mga naapektuhang customer pati ang panukalang libre na ang March bill.

Kung sakaling may nais iapela ang kumpanya tungkol sa desisyon ng MWSS ay pwede umano itong dumulog sa isang arbitration body.

TAGS: 5 araw, arbitration body, Atty. Patrick Ty, concession agreement, libre, manila water, mwss, notice to explain, pagmultahin, paliwanag, rebate, refund, water shortage, 5 araw, arbitration body, Atty. Patrick Ty, concession agreement, libre, manila water, mwss, notice to explain, pagmultahin, paliwanag, rebate, refund, water shortage

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.