‘Unbundling’ sa presyo ng petrolyo iuutos ng DOE

Iuutos ng Department of Energy (DOE) sa mga kumpanya ng langis ang unbundling o paghimay sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ito ay sa gitna ng sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis mula noong Enero.

Aminado ang kagawaran na walang magagawa ang gobyerno para ihinto ang oil price hikes.

Dahil dito, sa mga susunod na linggo ay itutuloy na ang unbundling.

Sa pamamagitan nito, maipakikita sa mga consumer kung anu-ano ang mga bahagi o parte ng kanilang binabayaran kapag nagpapakarga o bumibili ng krudo.

Ngayong araw ng Martes, epektibo ang ikapitong sunod na linggong may pagtaas sa presyo ng petrolyo.

Read more...