‘Unbundling’ sa presyo ng petrolyo iuutos ng DOE

By Rhommel Balasbas March 26, 2019 - 01:25 AM

Iuutos ng Department of Energy (DOE) sa mga kumpanya ng langis ang unbundling o paghimay sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ito ay sa gitna ng sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis mula noong Enero.

Aminado ang kagawaran na walang magagawa ang gobyerno para ihinto ang oil price hikes.

Dahil dito, sa mga susunod na linggo ay itutuloy na ang unbundling.

Sa pamamagitan nito, maipakikita sa mga consumer kung anu-ano ang mga bahagi o parte ng kanilang binabayaran kapag nagpapakarga o bumibili ng krudo.

Ngayong araw ng Martes, epektibo ang ikapitong sunod na linggong may pagtaas sa presyo ng petrolyo.

TAGS: bumibili, Department of Energy, iuutos, langis, nagpapakarga, oil price hike, paghimay sa presyo, petrolyo, taas presyo, unbundling, bumibili, Department of Energy, iuutos, langis, nagpapakarga, oil price hike, paghimay sa presyo, petrolyo, taas presyo, unbundling

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.