Ikapitong sunod na linggong oil price hike epektibo na

By Rhommel Balasbas March 26, 2019 - 12:49 AM

Epektibo na ngayong araw ng Martes ang ikapitong sunod na linggong may dagdag sa presyo ng petrolyo.

Sa abiso ng lahat ng kumpanya ng langis, madaragdagan ang presyo ng kanilang gasolina ng P0.65 kada litro habang P0.10 kada litro naman ang sa diesel.

Habang ang Shell, Seaoil, Caltex, Flying V at Petron ay may P0.10 dagdag-presyo rin sa kada litro ng kanilang gaas.

Una nang nagpatupad ng oil price hike ang Caltex kaninang hatinggabi na susundan ng lahat ng kumpanya mamayang alas-6:00 ng umaga.

Paliwanag ni Energy Usec. Felix Fuentebella, ang supply cut ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Mula January 1 hanggang March 26, umabot na sa P8.99 ang nadagdag sa presyo ng gasolina, P6.99 sa diesel habang P4.67 sa gaas kasama na ang excise tax.

TAGS: diesel, DOE, Energy Usec. Felix Fuentebella, epektibo na, excise tax, gaas, gasolina, ikapitong sunod, petrolyo, supply cut, taas presyo, diesel, DOE, Energy Usec. Felix Fuentebella, epektibo na, excise tax, gaas, gasolina, ikapitong sunod, petrolyo, supply cut, taas presyo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.