5 patay sa pagbagsak ng bus sa bangin sa Negros Occidental

By Len Montaño March 26, 2019 - 04:30 AM

Credit to photo owner

(UPDATE) Hindi bababa sa lima ang kumpirmadong patay matapos bumagsak ang isang pampasaherong bus sa Barangay Igmaya-an, Don Salvador Benedicto sa Negros Occidental Lunes ng gabi.

Sa inisyal na impormasyon mula sa SCCDRRMO, naganap ang insidente alas 9:40 ng gabi

Nabatid na isang Ceres bus ang sangkot sa aksidente.

Ayon sa pulisya, nawalan ng kontrol ang driver sa bus habang binabagtas ang pakurbang bahagi ng lugar.

Galing ang bus mula sa San Carlos City at papuntang Bacolod City.

Ayon kay Don Salvador Benedicto Police chief Gerald Moya, kung hindi naipit ang bus sa plantasyon ng tubo ay dumiretso ito sa pinakailalim ng bangin at posibleng mas mas marami pa ang namatay.

Patuloy na inaalam ang pagkakilanlan ng mga nasawi at mga nasugatan na dinala sa ospital.

 

 

TAGS: 5 patay, bangin, ceres bus, Lion's Park, naghulog, Negros Occidental, 5 patay, bangin, ceres bus, Lion's Park, naghulog, Negros Occidental

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.