2 patay 1 sugatan sa buy bust na nauwi sa shootout sa Talisay; P2.7M halaga ng shabu nakumpiska

By Len Montaño March 25, 2019 - 10:59 PM

Credit: Benjie Talisic, CDND

Nauwi sa shootout ang buy bust operation sa Talisay City, Cebu na nagresulta sa pagkamatay ng target ng pulisya at live-in partner nito at pagkasugat ng umanoy kasabwat.

Ang madugong barilan ay naganap sa gitna ng operasyon ng pinagsanib sa grupo ng mga pulis sa pangunguna ng Provincial Intelligence Branch sa Sitio Managa, Barangay Tabunok Lunes ng hapon.

Ayon kay Sr. Insp. Alejandro Batobalonos, PIB chief, patay sina Alex Cuyogan, 35 anyos at target ng operasyon at live-in partner nitong si Jhoanna Mae Delar habang sugatan si Resty Abellana.

Nakumpiska sa suspek ang 400 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2.7 million.

Ayon kay Batobalonos, matapos makabili ng droga kay Cuyogan at nang aarestuhin na ito ay bumunot ito ng baril at pinaputukan ang mga papalapit na pulis.

Pero mintis si Cuyogan at gumanti ng putok ang mga pulis at tinamaan ang target at si Delar na nakatayong katabi ng kanyang live-in partner.

Kahit sugatan ay tumakas si Cuyogan at pumunta sa bahay ni Abellana na ayon sa pulisya ay tinangkang itago ang suspek.

Nag-alala ang mga pulis dahil nasa loob ng bahay ang isang 3 taong gulang na bata pero mabuti na ligtas itong naialis sa lugar at tuluyan nang nasukol si Cuyogan.

Tinutugis ngayon ng pulisya ang nakatakas na isa pang kasama ng mga suspek na nakilalang si Jaylord.

TAGS: 400 gramo, Alex Cuyogan, buy bust, cebu, Jhoanna Mae Delar, P2.7M halaga ng shabu, Provincial Intelligence Branch, Resty Abellana, shabu, shootout, Talisay City, 400 gramo, Alex Cuyogan, buy bust, cebu, Jhoanna Mae Delar, P2.7M halaga ng shabu, Provincial Intelligence Branch, Resty Abellana, shabu, shootout, Talisay City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.