Pananatili ni ex-Inquirer Publisher Atty. Raul Pangalangan sa ICC, ipinauubaya na sa kanya ng Palasyo

Ipinauubaya na ng Palasyo ng Malakanyang kay Atty. Raul Pangalangan ang pagpapasya kung kakalas na o mananatili pang judge ng International Criminal Court (ICC).

Pahayag ito ng palasyo matapos kumalas ang Pilipinas sa ICC.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, walang pakialam ang palasyo kay Pangalanan dahil kailanman ay hindi naging kasapi ang Pilipinas sa ICC.

Nasa ICC na rin aniya ang pagpapasya kung tatanggalin na nila si Pangalangan.

June 2015 nang mahalal si Pangalangan at mananatili sa ICC ng hanggang sa March 2021.

Bago nagging judge ng Interrnational Criminal Court naging publisher muna ng pahayagang the Philippine Daily Inquirer si Pangalangan.

Read more...