Nananatili sa listahan ng International Maritime Organization (IMO) at compliant sa International Convention on the Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers (STCW Convention) ang Pilipinas.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr) at Maritime Industry Authority, patunay dito na sumusunod ang Pilipinas ay ang Maritime Safety Committee (MSC) Circular na naka published noong Disyembre 14, 2018 kung saan kasama ang bansa sa listahan ng STCW-compliant parties.
Ang tinatawag na “white list” ay tumutukoy sa mga nakumpirma ng IMO MSC na communicated information na nagpapakita ng buo at kumpletong epekto na ibinibigay sa mahalagang probisyon ng STCW.
Wala rin anilang basehan ang ulat na inalis sa listahan ang Pilipinas mula sa IMO White list.
Pinag iingat naman ng DOTr at MARINA ang pubiko laban sa laban sa mga nagpapakalat ng maling balita na magdudulot ng pagpa-panic ng mahigit sa 400,000 seafarers at kanilang mga pamilya.
Nilinaw pa ng naturang ahensiya ng gobyerno na kahit na kabilang ang Pilipinas sa white list, sinisiguro pa rin nila na lahat ng stakeholders ay ginagawa ang lahat ng paraan para mapanatili ang status na compliant sila sa standards ng IMO.
Kaugnay nito, dadalo ang MARINA sa sixth session ng IMO’s Sub-Committee on HTW sa Abril 29 hanggang May 3,2019 sa London, United Kingdom bilang bahagi ng Pilippine delegation para mapanatili ang posisyon ng bansa sa white list.