ECC sa Kaliwa Dam project, hindi dapat ibigay ng DENR – Rep. Zarate

Hinikayat ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na huwag mag-isyu ng Environment Compliance Certificate (ECC) sa Kaliwa Dam project.

Ayon kay Zarate, palulubugin ng nasabing proyekto ang 28,000 ektaryang lupa kung nasaan ang siyam na barangay sa mga lalawigan ng Rizal at Quezon.

Lubhang apektado anya ng proyekto ang 5,000 pamilya ng mga katutubo.

Paliwanag ni Zarate, mariing tinututulan ng mga indigenous people ang naunang pagtatayo ng Laiban dam mula pa noong 1984 na mas nauna pa sa Kaliwa-Kanan Dam projects.

Pinayuhan din ng mambabatas ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na maging mahigpit sa Maynilad at Manila Water dahil nasa isang bilyong litro ng tubig ang nasasayang bawat araw.

Bukod dito, nais din ng kongresista na matutukan ang rehabiltasyon ng Wawa at Kaliwa dam na mas dapat inuuna ng gobyerno.

Read more...