Mga hindi pinagkakasunduang probisyon sa 2019 budget, naalis na – Rep. Andaya
Bagama’t bigong maresolba ang deadlock sa panukalang 2019 budget, nagkasundo na ang Kamara at Senado na magkaroon ng panibagong pondo sa lalong madaling panahon.
Ayon kay House Appropriations Committee Chairman Rolando Andaya Jr., ito ay matapos ang kanilang pulong kasama ang mga sneaodr upang talakayin ang mga hindi napagkasunduang probisyon ng 2019 proposed national budget.
Sinabi ni Andaya naalis na nila ang mga “contentious points” dito.
Nailatag anya ng dalawang kapulungan ang kanilang mga punto sa budget at mananatili ang itemization ng dalawang Kapulungan.
Nagkaroon na anya ng mga paglilinaw at pagkakaintindigan sa pagitan ng dalawang kapulung na walang nilalabag sa pagpasa sa 2019 Budget at ito ay naayon sa Saligang Batas.
Itinanggi din ni Andaya na may realignment na ginawa sa budget.
Pinuri naman ni Andaya si Senator Panfilo Lacson na maganda ang naging pagdala sa pulong at nakinig sa kanilang mga kongresista.
Ipinagpasalamat ni Andaya ang kanilang naging pag-uusap ng mga senador dahil nagsilbi itong “major step” sa pagresolba sa mga issues sa panukalang pambansang pondo ngayong 2019.
Gayunman, nakatakda naman din sila na magkita muli bukas para ipagpatuloy ang kanilang talakayan.
Nauna nang sinabi ni Andaya na target nilang magkaroon na ng bagong budget bago man sumapit ang ika-29 ng buwan ng Marso.
Para magawa ito, sisikapin nila na magkasundo na sa magiging laman ng proposed budget.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.