SC naglabas ng TRO sa no bio, no boto campaign ng Comelec
Naglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Supreme Court para sa pagpapatupad ng “No Bio, No Boto” project ng Commission on Elections (Comelec).
Nangangahulugan ito ng posibilidad na puwedeng bomoto sa 2016 elections ang mga hindi nakapag-patala ng kanilang biometrics sa natapos na October 31 deadline ng komisyon.
Nauna dito ay naghain ng kanilang petion for certiorari ang Kabataan Partlist kung saan ay kanilang sinabi na umaabot sa tatlong milyong mga botante ang hindi makakaboto sa eleksyon dahil sa No Bio No Boto campaign.
Sinabi rin ng Kabataan Partylist na labag sa batas ang October 31 dedline dahil nakasaad sa Election Omnibus Code na ang pagpapa-rehistro sa eleksyon ay puwede gawin hanggang sa 120-days bago ang mismong araw ng halalan.
Kung susundin ang batas, sinabi ni Rep. Terry Ridon na matatapos ang120-days bago ang 2016 election sa unang linggo ng buwan ng Enero.
Sa panig ng Comelec, nauna na nilang sinabi na kakapusin sila ng panahon kung tatapusin sa Enero ang registration at pag-kuha ng biometrics.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.