Kai Sotto, mag-eensayo sa ibang bansa para sa pangarap na makapasok sa NBA

Photo credit: Kai Sotto’s Instagram account

Nagdesisyon si Kai Sotto na sumailalim sa full-time training para sa kaniyang pangarap na makapaglaro sa National Basketball Association (NBA).

Sa Instagram, ibinahagi ni Sotto ang kaniyang desisyon matapos makumpleto ang obligasyon bilang basketball
star ng Ateneo de Manila High School.

Sinabi ng manlalaro na nais niyang maging tutok sa susunod na dalawa hanggang tatlong taon para makapasok
sa NBA sa taong 2021 o 2022.

Matagal aniya nitong pinag-isipan ang susunod na hakbang.

Nangako pa si Sotto na mag-eensayo siya nang maigi para sa kaniyang basketball career, pamilya, sa Batang Gilas, Gilas Pilipinas at sa bayan.

Read more...