Dalagita, nalunod sa ilog sa Digos

By Angellic Jordan March 25, 2019 - 03:39 PM

Idineklarang dead-on-arrival ang isang 13 taong gulang na babae makaraang malunod sa isang ilog sa Sitio San Nicolas, Barangay Tres de Mayos, Linggo ng umaga.

Ayon kay Supt. Deozar Almasa, director ng Digos City police, nasawi si Sofia Villaber sa kabila ng pagsagip ng mga rescuer mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC).

Kritikal naman ang kondisyon ng Kasama ng biktima na si John Rhods Tatoy, 14-anyos.

Batay sa imbestigasyon, kasama sina Villaber at Tatoy ang kanilang mga kaibigan sa ilog nang mangyari ang aksidente.

Nagpaalala naman ang mga otoridad sa mga magulang at menor de edad na maging maingat dahil mayroong malalim na parte ang naturang ilog.

TAGS: Digos, ilog, lunod, Digos, ilog, lunod

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.