Higit 900 election hot spots, tinukoy ng PNP

By Angellic Jordan March 25, 2019 - 03:20 PM

Nadagdagan pa ang bilang ng election hot spots para sa nalalapit na May 13 polls.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde, nasa kabuaang 941 ang election hot spots sa buong bansa.

Katumbas ito ng 57.60 percent sa 1,634 na lungsod at munisipalidad sa bansa.

Ani Albayalde, 131 na bayan ang nasa ilalim ng yellow category o areas of concern, 238 ang nasa orange category o areas of immediate concern at 570 naman ang nasa red category o areas of grave concern.

Ang mga lugar na kabilang sa Yellow category ay mayroong naganap na election-related incidents, matinding political rivalry at mga lugar na isinailalim sa Commission on Elections (Comelec).

Ang Orange category ay mga lugar na may seryosong banta ng mga rebeldeng grupo.

Ang Red category naman ay kombinasyon ng Yellow at Orange criteria.

Pinakamaraming ikinonsidera bilang red area sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na may 118 at sumunod ang 93 na bayan mula sa Northern Mindanao.

Sinabi ng PNP chief na walang red area sa National Capital Region (NCR) at Ilocos Region.

Samantala, nasa ilalim naman aniya ng Comelec ang Cotabato City at Daraga, Albay.

Tiniyak ni Albayalde na mas paiigtingin ang operasyon ng PNP sa pagsisimula ng campaign period para sa mga lokal na kandidato sa March 29.

TAGS: election hotspot, PNP, PNP chief Oscar Albayalde, election hotspot, PNP, PNP chief Oscar Albayalde

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.