Holdaper patay nang mabaril ng pulis sa loob ng pampasaherong jeep sa Cebu City

By Jimmy Tamayo March 25, 2019 - 12:50 PM

Patay ang isang holdupper nang mabaril ng pulis na sakay ng pampasaherong jeep sa Cebu City.

Sa report ng Cebu Daily News, binabaybay ng jeepney ang Barangay Busay sa lungsod at pagdating sa Magallanes Street ay sumakay ang suspek.

Makaraan ang ilang minuto, inilabas ng hindi kinilalang suspek ang isang .22 revolver at nagdeklara ng hold up.

Kinuha nito ang gamit ng mga pasahero gaya ng alahas at cellphone.

Ang hindi nito alam ay isa sa mga pasahero ay pulis na agad na rumesponde sa nagaganap na krimen.

Bago pa makatakas ang suspek ay nabaril na siya ng pulis na agad naman nitong ikinasawi.

Kinilala ang bayaning pulis na si PO3 Nemesio Denopol na nakatalaga sa Parian Police Precinct.

TAGS: baril, holdaper, nagnakaw, patay, baril, holdaper, nagnakaw, patay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.