Drug pusher patay sa buy-bust operation sa Lucena City

Patay ang isang drug pusher nang makipagbakbakan sa mga pulis sa isang buy-bust operation noong linggo.

Ayon kay Quezon Police Director Senior Supt. Robert Arguelles, napatay ng mga operatiba si Ferdinand Legaspi nang manlaban ito sa mga pulis at ang kasama nitong si Reynante Frias ay nakatakas.

Ito ay matapos silang magbenta ang shabu sa isang undercover na pulis sa Brgy. Dalahican ng 8:45 ng gabi.

Narekober ng mga awtoridad kay Legazpi ang isang caliber .38 revolver at pitong pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P15,000.

Read more...