Construction worker, arestado nang mag-amok sa loob ng isang resto sa QC

By Jimmy Tamayo March 25, 2019 - 11:19 AM

Arestado ang isang lalaki nang mag-amok sa loob ng isang restaurant sa Barangay Pasong Tamo sa Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Dennis Villanueva, 29 anyos at isang construction worker.

Ayon sa ulat, nabulabog ang kainan nang pumasok si Villanueva na lasing at may hawak na itak na iwina-wasiwas pa nito.

Nag-order umano ito ng alak at binantaan ang mga tao sa loob.

Nang matyempuhan ng ibang lalaki na nasa loob ng restaurant at nakitang ibinalik na ni Villanueva ang itak sa kanyang bag, hinampas ito sa ulo dahilan para matumba ito.

Nagkaroon naman ng pagkakataon ang iba pa para dambahin at suntukin ang suspek.

Naaresto si Villanueva nang rumesponde ang mga tanod at pulis. Jimmy

TAGS: itak, lasing, nag-amok, QC, itak, lasing, nag-amok, QC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.