Halaga ng pinsala ng El Niño sa mga pananim sa Occidental Mindoro umabot na sa P160M

By Dona Dominguez-Cargullo March 25, 2019 - 08:47 AM

Umabot na sa halos P160 million ang halaga ng pinsala sa agrikultura ng El Niño sa lalawigan ng Occidental Mindoro.

Ayon sa Provincial Agriculture Office, Oktubre 2018 pa lamang ay nakaranas na nang bihirang pag-ulan sa lalawigan dahilan para matuyo ang mga palayan.

Labis na apektado ang bayan ng San Jose na isinailalim na sa state of calamity noong nakaraang buwan.

Sa datos ng Municipal Agriculturist office ng San jose, umabot sa P49 million ang halaga ng pinsala ng El Niño sa bayan sa mga taniman ng palay, sibuyas at iba pa.

Binibigyang tulong naman ng lokal na pamahalaan ang mga apektadong magsasaka sa pamamagitan ng libreng krudo para sa kanilang mga makinang ginagamit sa pagpapatubig.

TAGS: El Niño, Occidental Mindoro, Radyo Inquirer, El Niño, Occidental Mindoro, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.