Produkto mula sa mga babaeng magsasaka mabibili sa DAR

By Dona Dominguez-Cargullo March 25, 2019 - 08:35 AM

Simula ngayong araw, March 25 hanggang sa Biyernes, March 29 mabibili sa Department of Agrarian Reform (DAR) ang mga produkto mula sa mga babaeng magsasaka.

Ang programa ay tinaguriang “Pamilihang Bayan ng Kababaihang Agrarian” na bahagi ng pakikiisa ng DAR sa selebrasyon ng National Women’s Month.

Hinikayat ng DAR ang publiko na tangkilikin ang mga ibinebentang produkto ng mga babaeng magsasaka.

Kabilang sa mga mabibili ay atchara, peanut butter, taro chips, banana chips, rice noodles, malunggay noodles, coco sugar, cacao, sariwang mga gulay, rice coffee at maraming iba pa.

Bukas ang pamilihan mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.

TAGS: Department of Agrarian Reform, National Women's Month, Pamilihang Bayan ng Kababaihang Agrarian, Radyo Inquirer, Department of Agrarian Reform, National Women's Month, Pamilihang Bayan ng Kababaihang Agrarian, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.