Bicam hearing ngayong araw sa panukalang 2016 budget, sinuspinde

By Chona Yu December 01, 2015 - 12:43 PM

2016 budgetAgad na sinuspendi ng Bicameral Conference Committee ang pagtalakay sa P3.002 trillion na budget para sa susunod na taon.

Hindi tumagal ng sampung minuto ang Bicam matapos hilingin ng House of Representative contingent na bigyan muna sila ng kopya ng bersyon ng senado hinggil sa 2016 proposed national budget.

Hirit ni House Majority Leader Ronaldo Zamora, kailangang mapag-aralang mabuti ng mga kongresista ang mga detalye ng budget na kanilang pagkakasunduan.

Dahil dito, muling magpupulong ang mga senador at kongresista sa pagtatapos ng linggong ito o kaya naman sa pagsisimula ng susunod na linggo.

Sa panig ng Senado, target nilang matapos ang Bicam ngayong linggo para maratipikahan sa susunod na linggo at maihain sa kay Pangulong Benigno Aquino III upang aralin at lagdaan sa December 14.

Ayon kay Senador Loren Legarda, Chairperson ng Senate Committee on Finance, kabilang sa mga inamyendahan nila ang budget ng mga State Colleges and Universities kung saan itinaas ang capital outlay at ang karagdang sampung bilyong pondo ng Department of National Defense.

 

TAGS: 2016 national budget, 2016 national budget

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.