Luxury cruise ship na nasiraan ng makina habang nasa karagatan, nadala na sa pantalan sa Norway

By Dona Dominguez-Cargullo March 25, 2019 - 07:43 AM

Nadala na sa pantalan sa Norway ang isang luxury cruise ship na nasiraan ng makina habang nasa karagatan.

Nagpadala ng mayday signal ang Viking Sky habang nasa Norwegian Sea matapos masira ang makina at bayuhin ng malalakas na alon.

Nailigtas naman ang lahat ng halos 1,400 na pasahero at mga crew nito.

Ang 479 sa kanila ay isinakay isa-isa sa mga helicopters habang ang 900 na iba pa ay naiwan sa barko at ligtas namang naibaba sa pantalan.

Ayon sa Joint Rescue Coordination Center ng southern Norway, 100 metro na lang ang layo ng barko at ito ay sasadsad na.

Kung tuluyan aniyang sumadsad ang barko mas malagim ang posibleng nangyari.

TAGS: luxury cruise ship, Norway, Radyo Inquirer, Viking Sky, luxury cruise ship, Norway, Radyo Inquirer, Viking Sky

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.