MWSS officials dapat sibakin lahat – sa ‘WAG KANG PIKON ni JAKE MADERAZO

By Jake Maderazo March 25, 2019 - 07:01 AM

BINIGYAN ni Pangulong Duterte ang mga opisyal ng MWSS ng hanggang Abril 10 para ipaliwanag kung bakit nangyari ang krisis sa tubig.

At pagsapit ng Abril 15, magpapasya raw siya kung sisibakin lahat ang mga MWSS officers at kung kakanselahin ang water concession contracts ng Maynilad at Manila water.

Kung ako ang tatanuningin, dapat talagang palitan lahat ang bumubuo ng board of Directors ng MWSS, kasama na sina Chairman Reynaldo Velasco at ang Chief Regulatory officer Patrick Ty dahil lamang sa nangyaring krisis sa Manila Water.
Hindi po biglaan ang naturang problema, pero, pinabayaan nina Chairman Velasco at Regulatory chief Patrick Ty na lumubha at maperwisyo ang taumbayan.

Mula noong 1997 o sa nakalipas na 22 taon, naging inutil ang MWSS na bantayan ang mga pa-ngako ng mga water concessionaires.
Una, 100 percent suplay ng tubig sa loob ng 10 taon o noong 2007.

Ikalawa, walang mataas na increase sa presyo ng tubig sa loob ng 10 taon.

Ikatlo, ikonekta ng 24/7 na tubig ang mga customers sa loob ng tatlong taon at pasado sa Department of Health.

At ikaapat, magkaroon ng 80 percent coverage ng “waste water treatment “ sa loob ng 25 taon o nga-yong 2022.
At sa lahat ng iyan, palpak, bigo ang MWSS na gawin ang kanilang trabaho.
Isa pa, bakit pinayagan ng MWSS na singilin tayo ng “advance” sa mga proyekto nilang hindi naman natuloy noon, tulad ng mga dam, water treatment plants, mga aqueducts at iba pa?

Bakit noong 2002 ay ni-renew ng MWSS ga-yong palpak ang mga water concessionaires na ito, at sa halip ay dinagdagan pa ng 15 years ang kontrata?
Dapat sana’y magtatapos sila sa 2022 pero ginawang 2037? Bukod diyan, pinayagan pa silang maging “bulk water supplier” at “retailer of water”? Sa halip na disiplinahin, dinagdagan pa ang kanilang mga negosyo.

Sa totoo lang, “one si-ded” ang mga kontrata ng Manila Water at Maynilad na ginawa noong krisis sa tubig noong 1997. At siyempre ang mga concessionaires ang sumalo sa ilang foreign loans ng MWSS tulad ng sa ADB.

Pero, meron namang “government guarantee” at “take or pay” provisions. At ang masakit, bawal silang malugi sa kontrata sa gobyerno. Hiindi raw sila “public utility” kundi “ahente” lamang ng MWSS.

Kasi kapag “public utiity”, 12 percent lamang ang dapat nilang profit bawat taon. Bukod diyan, dadaan sila sa audit ng COA. At ngayon, ang kwestyon kung sila’y public utility o hindi ay naka-pending sa Korte Suprema.

Importante po ang public utility issue dahil kung sila’y madeklarang ahente lamang, tayong mga consumers ang magbabayad ng “corporate income tax” ng Manila Water at Maynilad.

Ikalawa, nasaan na ang disiplina ng MWSS sa harap ng lantarang kabiguan ng mga concessionaires na tuparin ang kanilang obligasyon? Tulad nitong krisis sa tubig, aba’y wala pong “administrative penalties” na maipapataw ang MWSS Regulatory office dahil walang ganitong kapangyarihan sa kontrata.

Marami pang mga kwestyon ang maibabato natin, pero ang bola nga-yon ay na kay Presidente Duterte. Dito natin makikita kung meron ba siyang political will lalo’t milyun-milyong Pilipino ang apektado.

Abangan natin ang susunod na kabanata!

TAGS: Radyo Inquirer, water crisis, water problem, Radyo Inquirer, water crisis, water problem

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.