LOOK: Water level sa mga dam ngayong umaga ng Lunes, Mar. 25

Patuloy na nababawasan ang water level sa La Mesa at Angat dam.

Sa abiso ng PAGASA Hydrology Division, ngayong alas 6:00 ng umaga, ang water level sa La Mesa dam ay nasa 68.59 meters.

Mas mababa ito sa 68.60 meters kahapon ng umaga.

Ang Angat dam naman ay mayroong water level na 195.54 meters ngayong umaga.

Mas mababa kumpara sa 195.91 meters kahapon ng umaga.

Una nang ibinabala ng PAGASA na maaring sa katapusan ng Abril ay umabot sa 180-meter low level ang antas ng tubig sa Angat.

Read more...