Mainit at maalinsangang panahon mararanasan sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw
Apektado ng easterlies ang halos buong bansa ayon sa PAGASA.
Sa weather forecast ng PAGASA umiiral ang asterlies sa eastern section ng Southern Luzon, Visayas at sa Mindanao.
Ngayong araw, sinabi ng PAGASA na ang buong Visayas, Mindanao, Bicol Region at mga lalawigan ng Aurora at Quezon ay makararanas lamang ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na mayroong isolated na pag-ulan.
Bahagyang maulap na papawirin naman ang mararanasan sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa.
Kahapon, umabot sa 34.2 degrees Celsius ang naitalang maximum temperature sa Metro Manila.
Nayong araw, sinabi ng PAGASA na maaring umabot din sa 34 degrees celsius ang maximum na temperatura sa NCR.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.