AWOL na pulis arestado ng NCRPO dahil sa panggagahasa sa kaniyang stepdaughter

By Dona Dominguez-Cargullo March 25, 2019 - 06:31 AM

Naaresto ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) – Regional Special Operations Unit (RSOU) ang isang AWOL na pulis na mayroong kasong rape at act of lasciviousness.

Ayon kay NCRPO chief, Police Director Guillermo Eleazar, nadakip ang suspek na si PO1 Johnny Ocampo, sa isang resort sa Barangay Nazareth sa General Tinio, Nueva Ecija.

Ang 41 anyos na si OCAMPO ay mayroong warrant of arrest para sa kasong rape at Act of Lasciviousness noong 2010 na inilabas ni Judge Victoria Isabel Paredes, presiding judge, ng Regional Trial Court Branch 124, Family Court ng Caloocan City.

Ang kaso ni Ocampo ay nag-ugat dahil sa panggagahasa umano at pangmomolestya niya sa dalawa niyang stepdaughter na noon ay edad 15 at 14.

Si Ocampo ay nasa AWOL status simula noong 2006 at dating naka-assign sa Regional Intelligence Division sa MIMAROPA.

TAGS: AWOL, NCRPO, rape, AWOL, NCRPO, rape

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.