Pangulong Duterte muling bibisita sa Japan sa Mayo
Nakatakdang muling bumisita sa Japan si Pangulong Rodrigo Duterte sa Mayo para dumalo sa isang regional conference.
Ayon sa ulat ng Kyodo News, tinanggap ni Pangulong Duterte ang imbitasyon para sa 25th International Conference on the Future of Asia sa Tokyo.
Ang conference na ito ay inorganisa ng Nikkei Daily at magaganap sa May 30 hanggang 31.
Ito na ang ikatlong pagbisita ng presidente sa Japan mula noong 2016.
hindi pa malinaw kung makakapulong ni Duterte si Japanese Prime Minister Shinzo Abe.
Unang pumunta ng Japan ang punong ehekutibo noong October 2016 na nasundan noong October 2017 kung saan nakapulong niya sa parehong pagkakataon si Abe.
Noon nakaraang taon, nakatakda dapat dumalo sa Nikkei conference ang pangulo upang magbigay ng talumpati ngunit kinansela ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.