Fetus natagpuan sa basurahan sa Maynila

Isang fetus ang natagpuan sa tambak ng basura sa Sta. Cruz, Maynila.

Ayon kay Richmond Ong, kapitan ng Brgy. 320, isang basurero ang nakakita sa fetus.

Maghahakot lamang sana ito mga basura sa harap ng building sa kanto ng Oroquieta at Bambang Street nang makakita ito ng kahon ng sapatos.

Nang kanyang buksan ang kahon, dito na tumambad ang fetus.

Tinatayang nasa apat hanggang anim na buwang gulang ang fetus na hindi pa tukoy ang kasarian.

Hindi rin nakita ng mga residente kung sino ang nagtapon ng fetus sa lugar.

Patuloy ang imbestigasyon ng Manila Police District Homicide division sa insidente.

Read more...