ALAMIN: Taas-presyo sa produktong petrolyo ngayong linggo
Isa na namang panibagong oil price hike ang sasalubong sa mga motorista sa linggong ito.
Buena manong nag-anunsyo ang kumpanyang Shell ng kanilang taas-presyo epektibo alas-6:00 ng umaga, bukas araw ng Martes.
May taas-presyo ang gasolina ng Shell na P0.65 kada litro.
Habang ang diesel at kerosene naman ay parehong madaragdagan ng P0.10 kada litro.
Inaasahang sunud-sunod na ring mag-aanunsyo ng oil price hike ang iba pang kumpanya ng langis ngayong araw.
Ito na ang ikapitong sunod na linggong may taas-presyo sa mga produktong petrolyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.