Pilipinas, nakapag-uwi ng 29 medalya sa Special Olympics World Games
Nakapag-uwi ng 29 medalya ang Pilipinas Special Olympics World Games sa Abu Dhabi, United Arab Emirates (UAE).
Sa naturang bilang, siyam dito ay gintong medalya mula sa walong sports na sinalihan ng Pilipinas.
Kabilang dito ang 50-meter backstroke swimming, badminton, ribbon-rhythmic gymnastics, ball-rhythmic gymnastics, 100-meter athletics, bocce, gymnastics all-around at futsal.
Ayon kay Darvin Engracia, Philippine Special Olympics nationa sports director, layon nitong maipakita sa buong mundo ang pag-excel ng mga manlalarong Pinoy sa iba’t ibang sports may medalya man o wala.
Todo-suporta naman ang Filipino community at Embahada ng Pilipinas sa UAE para sa mga manlalarong Pinoy.
Samantala, nasa 7,500 na atleta mula sa 190 na bansa ang sumali sa 24 sports sa Special Olympics World Games.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.