Naipit na 163 Pinoy crew members sa cruise ship sa Norway, ligtas – DFA

Ligtas ang nasa 163 na Filipino crew members sa isang cruise ship na naipit sa Norway.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nakatutok ang ahensya sa nagpapatuloy na rescue operations para sa mga pasahero ng Viking Sky cruise ship.

Iniulat ng Embahada ng Pilipinas sa Oslo na ligtas ang mga Pinoy crew member base sa pakikipag-ugnayan sa Viking Cruises at Norweigan Rescue Center.

Sinabi naman ng kagawaran na walang pasaherong Pinoy nakasakay sa naturang cruise ship.

Samantala, gumamit na ng tug boats para madala ang cruise ship sa baybaying-dagat.

Sa ngayon, sinabi ng mga otoridad sa DFA na nakaandar na muli ang cruise ship ngunit mabagal pa ang takbo nito.

Read more...