Ito ay kaugnay sa umano’y maanomalyang pag-award ng GSIS e-card project sa Union Bank of the Philippines noong 2004.
Inakusahan ng Ombudsman si Garcia at 10 iba pa na ginamit ang kanilang mga posisyon para magsabwatan at paboran ang nasabing bangko para sa proyekto.
Nakasaad sa reklamo na hindi nakasunod ang bangko sa requirements o procedures na itinatakda ng batas o Government Procurement Act.
Bukod kay Garcia, kabilang din sa kinasuhan ay sina Enriquetta Disuanco, Benjamin Vivas, Hermogenes Concepcion, Elmer Bautista, Fulgencio Factora, Florino Ibanez, Aida Nocete, Reynaldo Palmiery, Elenita Tumala-Martinez, Leonara Vasquez-De Jesus.