Ex-GSIS President at sampung iba, kinasuhan ng Ombudsman sa Sandiganbayan

By Isa Avendaño-Umali December 01, 2015 - 12:06 PM

GISISIpinagharap ng kasong graft ng Office of the Ombudsman si dating Government Service Insurance System (GSIS) President Winston Garcia sa Sandiganbayan.

Ito ay kaugnay sa umano’y maanomalyang pag-award ng GSIS e-card project sa Union Bank of the Philippines noong 2004.

Inakusahan ng Ombudsman si Garcia at 10 iba pa na ginamit ang kanilang mga posisyon para magsabwatan at paboran ang nasabing bangko para sa proyekto.

Nakasaad sa reklamo na hindi nakasunod ang bangko sa requirements o procedures na itinatakda ng batas o Government Procurement Act.

Bukod kay Garcia, kabilang din sa kinasuhan ay sina Enriquetta Disuanco, Benjamin Vivas, Hermogenes Concepcion, Elmer Bautista, Fulgencio Factora, Florino Ibanez, Aida Nocete, Reynaldo Palmiery, Elenita Tumala-Martinez, Leonara Vasquez-De Jesus.

TAGS: GSIS Winston Garcia, GSIS Winston Garcia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.